pag may byahe walang dyahe

Text

matapos kong mapanuod ang “Segment” sa isang sikat na palabas sa telebisyon kanina tungkol dun sa tatlong volcano rugby players ng pilipinas. Ako ay lubhang nalungkot. Una ung azkals na wla pa namang naiuuwing medalya ay puro endorsements na. Sunod itong volcano na to na ayon sa pagkakarinig ko ay may silver medal na daw.

ito ay simbolo ng ating “Colonial mentality”. ang larong rugby at futbol ay di naman tlga laro ng ating bansa, ngunit bakit ang mga pilipino ay nahuhumaling? Marahil ito ay dahil sa taglay na kagwapuhan at kagandahan ng katawan ng mga player mismo. Mabuti sana kung ang iniidolo at pinag eendorse ay kapwa nating pilipino, ngunit HINDI. Ung iba hindi pa marunong ng ating wikang pambansa, ang tagalog. 

Tanungin natin ang ating sarili, paano ipaglalaban ng isang tao ang isang bansa laban sa ibang lahi kung mismo ang manlalaro natin hindi marunong magtagalog? kilala ba nila si rizal? si apolinario mabini? si gregorio del pilar? marcelo del pilar? francisco balagtas? emilio jacinto? baka nga si rico j. puno hindi pa nila kilala. 

Papaano ba nasasabi na ikaw ay isang lehitimong pilipino? dahil sa dugo? birth certificate? o dahil ba sa kahit 1/4 o 1/8 ng dugo mo ay pilipino? o dahil ba ang kanunu nunuan mo ay pilipino, at basta gwapo ka o may talento, pinagmamalaki ka ng pilipinas na pilipino, gayon mang ikaw mismo ay naninirahan sa ibang bansa, lumaki at namulat sa kultura ng dayuhan. Marunong ka ngang magtagalog, ngunit alam mo ba ang tagalog ng “Blue”? marahil ang isasagot mo ay “asul”. Ito ay hindi wikang tagalog. Ito ay wikang espanyol. nanunuod ka ba ng dora? mariringan mo siya na cnsbi nya “asul! asul!” tapos masasabi mo nlng sa sarili mo “uy! marunong magtagalog si dora!”. cguro nag google ka na kng anu ang tagalog ng “blue” sasabihin ko na “bughaw”. “green” spanish: “berde” tagalog: “luntian”. 

Masyado tayong nabulag sa mga dala ng mga mananakop saatin. Ang pagkakaroon ng mga manlalaro na dayuhan ay hindi masama KUNG alam nila ang kanilang posisyon sa lipunan at sa pilipinas. may isa pang player na bago mag laro galing pa sa ibang bansa, sa kanyang “kinalakihang” bansa. Sila ang laman ng mga bill board, katabi si angel locsin, laman ng dyaryo ng pilipinas, laman ng telebisyon. Hindi nila alam, mayroon tayong sariling ating isang kuponan. Hindi sila gwapo, kung sa katwan ay matipuno naman sila, balat? pinoy na pinoy, ito ay ang Philippine dragon boat team.

patunayan ang sarili? LIMANG GINTONG MEDALYA ang naiuwi nila para sa inang bayan. azkals? wala, inapi ng kuwait. volcanoes? alam ko lang mt.apo at mayon. Ang philippine dragon boat team, nanghihiram pa ng sagwan sa kalaban upang makalaro lamang, nililinis ang manila bay dahil doon sila nag eensayo. nag tratrabaho ang iba para sa pamilya at sinasabay sa pag eensayo. Nasaan ang billboard? nsaan ang pag kilala? nsaan ang bisita sa palasyo? dahil ba hindi sila gwapo? dahil ba kayumangi ang kanilang kulay? dahil ba hindi uso? o dahil wala ka lang talagang pakielam sa kababayan mo dahil ang gusto mo ay yung gwaping na nanliligaw sa isang sikat na artista na “game” ang laging sinasabi? 

Hindi masama ang pag hanga sa ibang lahi, ito ay simbolo ng pag kilala at pag respeto, ngunit para dumating sa punto na tayo ay nagiging bulag para sa ating bayan, mag isip tayo.

Text

e1 ko, d ko alam, d ko alam kng anu susulat ko, gs2 ko magsulat,pero walang maisulat,

para akong naiwan nlng bigla sa dilim

ung ilaw ko, umalis, saan na ko pupunta ngaun? nung hawak ko pa kandila ko na nagbibigay ng ilaw, oo, natempt ko humanap ng flashlight, pero nadapa ako, at tumayo, hawak hawak parin ang kandila ko, tatlong beses ko nasubukan maghnap ng flashlight at tatlong beses akong nadapa at bumalik sa kandila kong hawak, ngunit nakalimutan ko na

ung kandila ko pala, paubos na,

di ko napansin na paubos na pala ito,at nalimutang ang kandila ay may limitasyon lamang

ngayon nsa dilim ako, walang wala, wala akong magawa e, wala na ang kandila ko, ubos na, anu nalang ang ggwin ko? e1 ko, hindi ko alam, wla akong ibang mggwa pag wala ang kandila ko, kandila ko lang ang buhay ko, ngunit ngayon n wla na ito, anu na? hindi ko alam, 

hindi ko talaga alam

hindi ko alam kng anu mararamdaman ko ngaun, halo halong depresyon lungkot dilim pag iisa, at lahat na ng negatibo,

para sa kandila ko, patawad, ikaw ang nagbigay sakin ng buhay at liwanag, ngunit paulit ulit kitang nabalewala, ngayon na nalaman ko na ang tunay mong halaga ngunit ngayon pa na paalis ka na at paubos na

isa nlng ang hiling ko, isang mirakulo, na sana manumbalik ang dati mong alab, at magbigay ng liwanag saaking madilim na buhay

mahal na mahal kita

Text

nkalulungkot icpn na ang buhay ay ntatapos din. lahat ay may katapusan. kadalasan nating sinasabi na “robot nga kelngan din mag shutdown, tao pa kaya”. hindi naman tayo robot. hindi man tayo nabiyayaan ng walang katapusang buhay, di naman tayo katulad ng isang robot na wlang katapusan ang buhay ngunit dumadating sa oras kung saan kahit gustuhin mo pa itong buhayin ay hindi na maari dahil ito ay sobrang luma na.

maswerte tayo dahil hindi hinayaan ng diyos na maramdaman natin ang nararamdaman ng isang robot. maging obsolete. maging unproductive at maging walang kwenta sa mata ng iba.

At dahil sa limitasyon natin na iyon, kailangan nating sulitin ang bawat segundo na humihinga tayo, dahil darating din ang araw na tayo ay mag shushutdown. darating din ang araw kung saan ang ating katawan ay babagsak at manghihina at mararamdaman natin ang epekto ng pag tanda.

ang sabi ng isang professor ko sa university of santo tomas, propesor ko siya sa literature. Aniya:

 ”wag kayong malulungkot kung namatayan kayo ng kaibgan, kamag anak o ng kahit cnung malapit sainyo, dahil ito ay sign ng pagiging selfish nyo. selfish dahil anu ba ang iniisip mo sa pagkamatay niya? na hindi mo na siya makikita? na hindi mo na mabibiro? na hindi mo na kailanman makakausap at mahahagkan? o diba puro sarili mo lang inisip mo non, dahil masaya ka pag anjan siya at malungkot ka pag nawala siya. E panu naman ung taong namatay? ndi mo ba naiisip na nahihirapan siya dahil sa sakit nya at gusto mo parin siyang buhayin dahil lamang gusto mo ay nandiyan lang siya? kaya kung namatayan kayo,matuwa nlang kayo para saknya, dahil kasama na siya ni God, tapos na ang paghihirap niya”

makes sense diba? bakit nga ba tayo nalulungkot? dahil naiicp natin na, “naku panu na ung biruan namin, mamimis ko yon” pero naicp mo ba ung hirap na pinag dadaanan nya?sabi nga ng iba, “everything happens for a reason” kaya kinukuha sila ng diyos. susunod din naman tayo, ikaw, susunod ka din. lahat tayo ay may ginagampanan pa dito sa mundo at ito ay hindi pa tapos kaya di pa tayo maaring umalis. darating din ang panahon at matatapos din natin ang misyon natin d2 sa mundo. at mkakasama din natin silang lahat sa kabilang buhay. 

kaya saludo kami saiyo Steve Jobs. bilang isang magaling at matibay na haligi ng henerasyon na ito ang ng teknolohiya. nagampanan mo na ang iyong misyon, at iyon ay ang mamigay ng napakamahal na mansanas na may kagat, haha,

saludo kami saiyo steve jobs, binago mo ang ikot ng mundo at binahagi mo ang iyong  kaalaman hangang sa iyong huling hininga.

rest in peace steve jobs. not only the technology world but the whole world mourns for your death, but is also happy that your battle against cancer ended. im sure papapasukin ka sa langit, malamang si san pedro naka ipad kase dun nya tinitignan ung mga papasok sa langit, haha,

"hay"

-

Text

family,anu ang ibig sabihin sayo ng pamilya? ito ba ung inuuwian mo araw araw? ung nang aasar mong kuya? ung kinukulit mo na ate? mga magulang mo? ung aso mo na pag dmdting ka ndi na mapakali? ung ksby mo kmain sa “dining table”? ung kasma mo pag “family outing”? anu nga ba ang depenisyon ng pamilya.

madaming konsepto ng pamilya, madaming depenisyon, madaming nag ssbi n basta ksma mo sa bahay ay “pamilya” na. Ngunit hindi natin alam,na ang isang pamilya ay hindi ginagawa, ito ay NABUBUO. aminin mo na, minsan nasabi mo sa sarili mo na “pag laki ko at nag aswa na ko, ggwa ako ng pamilya ko at magiging msaya kami”

may kwento ako, lately kase nag retreat ang buong batch namen, information technology students batch 2012 ng University of Santo Tomas. there were five sections A B C D E.I belong to 4ITD. It was a very good retreat, sa caleruega batangas kame nag retreat, saya, brotherhood, sisterhood, jacket na may hood, at lahat ng hood, d ko lang nakita don si little red riding hood. search nyo sa internet ung caleruega philippines, mkkta nyo ung place, imagine being there, ang moto nga ata dun e, “close to nature, closer to God” aun,may mga activities, the 1st night for us was a perfect sharing. perfect night to set the mood sa buong retreat. nalamn ang mga problema at dinadala ng bawat isa, i dont know sa ibang section, pero samin kase, we took it seriously. may drama, at tlgang nag sasalita lahat, nag shashare. we started the activity 9pm ata more or less, dpat 8pm, kaso may mga late din e ayaw naman mag start ni father pag ndi kumpleto buong batch so aun. it was done per section. we were lucky din to be assigned sa rooftop ng isang hall dun kaya tahimik. the lights out at caleruega was 11pm, totaly, patay lahat ng ilaw, it was pitch black, (pitch dark pa nga ang sabi ko nung una, haha! til now d ko sure kng tama ung pitch black…) ang bukas lang is ung mga poste na halos wla nang ilaw dahil sa fog. so we started 9pm and it was already lights out. and we still got 3 more persons na mag shashare, imagine that? 2hrs nka upo kame dun, listening to each and everyone. that activity is not done everyday, kahit everymonth ndi gngwa un, we were the only section na naiwan. na until lights out nag shashare. may iyakan, then, dumating ung prof namen, as usual kkkjjjjjjj, pinapatigil na kame, pero knw what we did? we stood for our time. pnpagalitan n kami, literal na may “force” na ung voice ng prof,pero d kame nagpatinag. the good part was, we all did say that. meaning, we really appreciate the moment.

then aun, sunday na, sobrang daming nangyri, ndi kasya d2, pero one more thing na i can say THE BEST, was eating. the setup was, there were buffet tables per section. servers should be assigned sa pag serve ng food sa plates nila to control the flow of food. in our part, we didnt assigned anybody. andun lang. pero may nag seserve samin. nag aagawan p nga ata, haha, lahat gs2 mag serve the fact na pag nag serve ka meaning huli ka kakain at may chance na maubusan ka pa ng pagkain, pero bakt gs2 nla mag serve? kayo na bahala magicp :) then aun. each buffet table was equal un number of food and everything. our section was one of the biggest, actually biggest ata, prang 47 ata kame. and you know what? We were the only section ata na ndi naubusan ng food. i dont know kase d ko naman chineck ung iba,pero samin, d kame naubusan. the fact na kame ang biggest section, there were ones na pmpnta sa buffet namen, cnsbi nila “ubos na kase dun e”. imagine, kame ang pinkamalaking section, more mouth to feed, pero lhat kame busog. why? i dont know, pero sa tingin ko, we learned to care for each other, nung 1st kain namen nagkaubusan tlga, pero after nong night of sharing? kinabukasan, never na kami nagkaubusan. we care, we are thinking of our brothers and sisters na ndi pa nkakakuha, bka maubusan cla.

ang pangit lang dun was, i saw, other people, not in our section, na kmkuha sa buffet table namen. ok lng naman e, pero you know what they did? NIRANSAK NILA UNG BUFFET TABLE NAMEN, pag dating namen dun, grabe sobrang konti nlng nung laman nung tray. the chicken that was supposed to be 1 per person, cguro kmha cla 2 per person kase sobrang naubos tlga, panu nlng ung section namen? it made me think na, kahit tlga saan,mga tao na sarili lang ang iniicp, iba e, wagas ang inis ko sknla nun,sobra tlga, pero u knw wat? nkakain parin kame, busog, we are the biggest section ha, may ndi kumain kase e1, personal choice, bka feeling nila tmaba cla kae 5 times kame kmkain dun, haha! pero aun. kahit sa konti ang pagkain nagkasya, i dont know kng may magic ung food at nagkksya, pero see that? when you care for others, you will feel full too.

ang daming natutunan sa retreat. sobrang haba na n2, sory, pero these words are still not enough, kulang pa, wla pa to sa kalahati, bka nga wla pa sa 1/4. 

THEY call us 4itd, WE call ourselves DRAGONS, THEY treat us as batchmate, students, fellow thomasian, WE treat ourselves as FAMILY.

nung papunta kame, tahimik sa bus, nung bumaba kame sa caleruega para umuwi, kulang ang bus kase lahat gs2 tumayo sa gitna at mag wala.tumalon at magsaya, daig pa concert ng kamikazee. there were videos. ill post it pag nakuha ko na ung vid sa mga kumuha, haha, aun lang, salamat sa oras :)

“AN UNEXAMINED LIFE, IS NOT WORTH LIVING”

-socrates

Text

sana maglaho ako kahit mga ilang araw lang ung tipong makikita ko kng cnu ba ung mag hhnp skin, kng cnu ba ung mkakamis, kng cnu ba ung hhnp hnpin ako sa araw araw n buhay nila,

minsan masarap din icpn n may mga taong nsasanay na anjan ka, ung tipong pag nwla ka hhnpin ka nla, iba e,

ngaun nais ko snang tanungin ka at sagutin m sa utak mo nlng, pag b nwla ako, hhnpin mo ko?

Text

binabasa mo to dahil ano? dahil sa title cgurado, babae, dahil big deal ang mga babae, hindi ko nilalahat ang mga babae, wla din naman akong ssbihing msama upang mkasira sa mga babae, ngunit bakit kya cnsbi nilang napakalakas ng kapangyarihan ng mga babae?

alam nyo ba noong unang panahon, lahat ata ng textbook at ng mga history book na nabasa ko, laging lalake ang superior. Oo totoo un, lalake ang superior, NGUNIT, nsa tabi parin nya ang babae. Sa tingin nyo, bakit kaya ang mga datu at mga “chief” o ang pinka mataas na pinuno ng isang balangay ay ang may pinka magandang asawa o anak na babae?

napakalakas na kapangyarihan ang taglay ng mga babae, sa tingin nyo, bakit macocorupt ang isa sa pinakamagaling na naging pangulo ng pilipinas?

may pag asa din kaya na macorupt ang isang normal na tao?

  • Question: pde po magreply qa nmn??? - xtel09
  • Answer:

    paxnxa na po, hindi po kase ako nag bubukas neto e :) mwah! 

  • Question: mahal mo ba ako? - xtel09
  • Answer:

    siyempre naman po! :) mahal na mahal po kita :) mwah!

Text

sa tuwing ninanais ko gumawa ng kanta,matapos ko makagawa ng chorus na d ko mxdong feel at isang verse na pakiramdam ko kulang na kulang, hindi ko mawari kng bakit nauuwi ako palagi sa pagsusulat?pagsusulat ng mga salita na nais lumabas sa aking utak. ang gusto ko ay makagawa ng kanta ngunit ang lumalabas ay isang makabuluhang teksto hindi isang makabagbag damdaming kanta.

musika o liriko?

di kaya ang tunay kong lugar ay para lamang sa pagsuslat? at hindi sa pag gawa ng makabuluhang kanta?

maari din na kulang ako sa inspirasyon, oo, dahil sa araw arw ay nandito lang ako sa apat na sulok ng kuwarto, wlang ibang kasama kundi unan, kumot at librong hindi nabubuksan.

ang pagsusulat ay kailangan ng inspirasyon at iyon ang nawala sa akin ngayon.

paalam